"Hello?" Napakabilis ang t***k ng puso ni Bryle na sinagot ang unknown registered na tawag. Umaasa siyang si Leia na iyon. Sana ang asawa na niya ang tumatawag. Ang kaso ay walang sumagot sa kabilang linya. "Hello?” ulit niya na napatuwid nang upo, kaso ay wala pa ring sumagot. “Leia, ikaw na ba ‘yan? Mahal, si Bryle ito! Ako ito!" “Hello, sino ka? Bakit nasa sa iyo ang cellphone ng girlfriend ko? Nasaan si Elena?” ngunit boses na ng lalaki sa kabilang linya. Napabuntong-hininga si Bryle at dali-daling pinatay ang tawag. Dismayadong-dismayado siyang napapikit. Halos madurog ang cellphone sa kaniyang kamao sa sobrang inis. "Lowbat ka?" sabi na naman ng makulit na babaeng katabi niya. Tiningnan lang niya ito. Agad namang may kinalkal sa bag niya ang babae at saka iniabot sa kaniya na