Kumakabog ang dibdib ni Leia habang inaabangan ang sinasabi ni Lacey na balita tungkol kay Bryle. Hawak-kamay silang mag-ina na naroon sa living room ng mansyon. Nakaupo siya sa wheelchair at nakatayo ang kaniyang anak sa pagitan ng mga paa niya. "Bryle, asawa ko, ano ba talagang nangyari sa ‘yo?" at paulit-ulit na usal ni Leia sa pangalan ng kaniyang asawa. Halu-halong emosyon ang nararamdaman niya sa sandaling iyon na pinangungunahan ng matinding pag-aalala. Nang biglang nag-black out ang TV. Namatay bigla. Takang-taka silang mag-ina. At mas nagtaka pa sila nang makita nilang si Donya Alvina ang may kagagawan niyon. Hinugot nito ang saksakan ng TV at pinutol ang wire gamit ang hawak nito na gunting. Siniran nito ang TV upang hindi na ulit mabuksan. Ngumisi ang inakala nilang mabait