“Police ang kuya mo?” Nagitla si Bryle nang mapansin niya ang suot na uniporme ng kapatid ni Sarina. Kamuntikan na siyang tumakbo upang tumakas. Pakiramdam niya kasi, kapag lalapit sila kay Alab ay biglang lalagyan siya nito ng posas sa kamay. Inirapan siya ni Sarina. Pagkuwa’y hinampas sa balikat. “Ilang beses ko nang sinabi sa iyo na pulis ang Kuya Alab ko. Hindi ka ba nakikinig sa mga pinagsasabi ko sa iyo, huh?” Ilang beses siyang napalunok. “Baka naman huliin ako niyan kapag lumapit tayo? Alam mong wanted ako sa batas?” Tumirik naman ngayon ang mga mata ng dalaga. “Alam ko at alam na rin ni Kuya.” “Sinabi mo?” Nilikuban na talaga siya ng takot at pagdududa. “Syempre sinabi ko. Paano ka niya tutulungan kung magsisinungaling ako sa kaniya?” Napamura si Bryle kasabay nang paghak