CHAPTER 66

1186 Words

"Wow! Astig!" hangang-hangang bulalas ni Sarina nang makita na niya si Bryle na naka-black suit. "Nagmukha kang tao at mas naging guwapo! Mai-in love na yata ako sa ‘yo!" biro pa nito. “Hoy!” Itinulak ni Bryle ang noo ng dalaga. Naglalandi na, eh. May pahimas nang nalalaman ito sa kaniyang braso. "Subukan mong ma-in love sa ‘kin at babatukan kita!" seryosong babala rin niya rito. Napakaganda ni Sarina. Napakaalindog. Kahit sinong lalaki ay matutukso rito. Gayunman kapatid na kasi ang turing niya sa dalaga at alam niyang hindi na hihigit doon. Isa pa’y mula nag-asawa siya ay hindi na siya nagkagusto pa sa ibang babae. Ibinigay na niya ang lahat ng pagmamahal niya sa kaniyang asawa. Humagikgik si Sarina na may kasamang nang-aakit na haplos na naman sa bicep niya. "Try natin gusto mo?" I

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD