Takang-taka na si Bryle dahil hindi na niya ma-contact ang number na ginamit kanina ni Leia. Inis na inis niyang ibinulsa na ang cellphone. Nanghihinayang siya nang sobra. Sana siya na lang ang nakasagot sa tawag ng asawa kanina at hindi si Sarina. Sayang! Sayang talaga! Alam na niya sana ngayon kung nasaan ang asawa at anak niya kung nasagot niya iyon. Mababawi na sana niya ang mga ito mula sa baliw na Kenneth na iyon. Kanina lang niya napagtanto na malamang ay si Kenneth ang lalaking sumagot kanina sa tawag niya. Gusto nga niyang suntukin ang sarili dahil ang tanga-tanga niya na hindi agad naisip iyon. Hula niya naman ngayon ay pinatay na ni Kenneth ang cellphone kaya hindi na niya matawagan. Siguro rin ay nabosesan siya ng g*go. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik na lang ulit sa