“Ano’ng sabi mo? Sinabi mo bang Kenneth?” salubong ang mga kilay na tanong ni Bryle kay Sarina. “Oo, bakit?” takang-balik naman ng dalaga. Parehas na silang nakakunot ang noo na napatitig sa isa’t isa. “Sino’ng Kenneth ang tinutukoy mo, Sarina?” Nagkibit-balikat si Sarina. “Siya ang bunsong anak ng sugar daddy ko. Si Kenneth Fontallan. Kilala mo ba siya?” Lalong nakusot ang noo ni Bryle. Hindi nga pala niya alam kung ano’ng epelyido ng g*gong Kenneth na kakilala niya. “Bakit? Ano’ng problema mo sa pangalang Kenneth?” nawiwirduhan nang usisa ni Sarina sa kaniya. Napatiim-bagang siya’t nakuyom niya ang mga kamao. “Kenneth lang naman kasi ang pangalan ng lalaking umagaw sa asawa ko.” “Ano?!” Gulantang na gulantang si Sarina. “Seryoso ka?” “Oo. Naging amo siya ng asawa ko. Nagustuhan