Nakikipag-usap si Aling Linda sa mga magulang ni Kenneth tungkol sa kasal. Sa pekeng kasal, ayon na rin kay Kenneth, ngunit walang kaalam-alam ang Don at Donya nitong mga magulang. Ang sabi ni Kenneth sa kaniya kanina ay makisama siya sa lahat ng gustong gawin ng mga magulang nito, mapalabas lang na kasal sila ni Leia. Isang beses pa na nakaramdam ng matinding pagkaawa si Aling Linda para sa anak na si Leia, subalit sa huli, pinili pa rin nitong maging sunod-sunuran kay Kenneth. "So, okay na ang lahat? Sa probinsya na lang namin gaganapin ang kasal?” pagtatapos na nga ng usapan ni Donya Alvina. Nagkatinginan muna sina Aling Linda at Leia, bago tumango si Aling Linda sa mag-asawang mayaman na mga magulang ni Kenneth. “Kung iyon ang gusto niyo, Balae, ay walang magiging problema.” "H