Naglalabada nang gabing iyon si Aling Celia. "’Nay?" nang biglang mahinang tawag ni Bryle sa kaniya sa madilim na parte ng labas ng bahay nila. Takang-taka ang matanda na inaninag niya ang nagsalita. Alam agad nito na si Bryle iyon dahil kahit kailan ay hindi niya makakalimutan ang boses ng kaniyang mga anak, lalo na ang kaniyang bunso. “Diyos ko, Anak. Ano’ng ginagawa mo rito?” Noong una ay natakot ang matanda dahil bakit nasa harapan niya ang anak imbes na nasa kulungan ito, subalit mas nanumbalik ang pagkasabik niya rito. "Mas pipiliin ko na lamang mamatay kaysa makulong ng ganoong katagal, ‘Nay. Hindi ko po kaya pala na mawalay ng ganoong katagal sa mag-ina ko," damang-dama ang bigat sa dibdib na saad ni Bryle. Siya lang ang natira na buhay sa halos dalawampung preso na tumakas. L