KYLIE POV
Nasa Gym kami ngayun. PE sub namin nasa bench kami naka upo habang hinihintay si Sir Mark. Nang naka pasok na si Sir sa Gym nasa harapan namin siya at isa isa kami tinitignan.
"Ang sport natin ngayun ay volleyball. So kailangan mahati kayo sa apat na grupo anim ang member."
Lumapit sakin si Red. Ningitinan niya ako tyaka siya tumabi sakin at inakbayan ako. Napahilig naman ako sa braso niya. Hinalikan naman niya ako sa noo. Ang sweet ng boyfriend ko, pinipigilan kong kiligin.
Lumapit samin si Ayessa at Ralph. sumunod naman si Joshua at Gabby. kami ang magkakagrupo. Ang instruction samin ni Sir Mark ay Iispike lang ang bola hanggang mapunta ito sa kabilang grupo. Ang unang nagspike ay si Red, napunta ito sa kabila. Hindi na nila ito naabutan. Nagpaikot naman kami tuloy tuloy lang ang laro.
Pagkatapos kasi samin, ang kabila naman ang magspike. Pag tapos na sila kami naman. Kinakabahan ako lalo na't ako na ang magspike.
Di ko naman sinasadya na laging napupunta sa direksyon ni Sir Mark ang bola. Nakakahiya HAHAHA napuno ng tawanan ang Gym ng bigla s'yang napatayo pagkatapos kong magspike ang bola papunta sa kanya.
"Ano ka ba kylie kung may galit ka sakin tama na. Ayokong magkabukol"
"Sorry sir hindi ko naman kasi sport ang volleyball " nailing na naupo na lang siya. Umikot ulit kami, si ayessa na ang sunod na magspike.
"Ayessa, ilabas mo na ang Balyena power mo ng manalo tayo" sigaw ni Ralph na boyfriend niya. Kanina ko pa na papansin na siya lang ang magaling samin magspike.
"Tsk, balyena power ka d'yan" Pagsusungit niya kay Ralph.
"Ilabas mo na ang balyena power mo, balyena ba-ba balyena alright" pakanta na sabi ni Ralph. sa sobrang inis ni Ayessa naibato niya ang bola kay Ralph ayun sapul sa mukha.
"Oh tama na 'yan ibang team naman" magkahawak kamay kaming umalis ni Red at naupo sa bench.
"Napagod ka ba? Sandali" nilabas niya ang panyo galing sa bulsa niya at pinahid sa noo ko para mawala ang pawis. hindi ko na napigilan mapangiti dahil sa ginagawa niya. walang oras o araw na hindi niya napaparamdam sakin na mahal niya ako. nang matapos si Red agad n'yang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. hinalikan niya ang tungki ng ilong ko. napasimangot naman ako, tumawa lang siya dahil sa inakto ko.
Niyakap ako ng mahigpit ni Red. naramdaman ko din ang paghalik niya sa pisngi ko dahilan para mas lumawak ang pagngiti ko.
"I love you" he said.
"I love you too Red" tinignan niya ako sa mata ng akmang lalapit na ang mukha niya sakin ng may asungot na lumapit at istorbohin kami.
"Tama ba yan love birds. baba na daw tayo tapos na sub" nakalolokong ngiti ang binigay samin ni Daniel.
Napairap naman ako sa kanya. itinayo na rin ako ni Red sa pagkakaupo at naglakad na pabalik ng classroom.
Pero bago 'yun nagpaassign si Sir Mark ng history at kung paano laruin ang Futsal sa next week na sub namin sa kanya.
Papunta kami ng cafeteria dahil break time na namin. magkahawak kamay kami hanggang maupo sa table. malapit sa binta sa dulo ng cafeteria.
"Ako na kukuha ng order natin ano bang gusto mo?" Tanong niya.
"Spaghetti tyaka cheese ham roll and fruit drink" nagpaalam na siya sakin para kumuha ng makakain ng biglang sumulpot sa harap ko si Floyd.
"Nagkaboyfriend ka lang nakalimutan mo na ako" nakapout n'yang sabi.
"HAHA sorry alam mo namang bago lang sakin yung ganitong feeling. tyaka may iba ka rin namang pinagkakaabalahan di ba? Si julia di ba?" Nag-iwas ng tingin ang loko habang nagbablush.. naks ang cute niya.
"Ewan ko sayo. bye na nga andyan na bf mong ulul" inirapan niya muna si Red ng makalapit siya sa table namin.
"Problema nun?" Nakakunot noo tanong ni Red sakin.
"Wag mo ng problemahin 'yun alam mo namang laging may topak 'yan" nakangiti kong sabi kinuha ko na sa tray yung order ko, masayang kaming kumain at nagku-kwentuhan.
Kinabukasan..
"It can be considered a version of five-a-side football. Futsal is played between two teams of five players each, one of whom is the goalkeeper. Unlimited substitutions are permitted. Unlike some other forms of indoor football, the game is played on a hard court surface delimited by lines; walls or boards are not used". I said
Sir mark nod. Nandito kami sa Gym. Sub namin sa kanya every tue and thursday. nagdiscuss si Sir Mark about sa new sports namin at 'yun ang Futsal.
"Ralph and Gian pakikuha ng apat na upuan sa back stage" nagsipunta na sila sa back stage. Nang nakakuha na sila, agad na tinuro ni Sir mark kung saan nila ilalagay ang apat na monoblock chair na pinakuha ni Sir Mark.
Inilagay ni Sir Mark sa magkabilang dulo ang upuan kung saan malapit sa basketball ring tumingin siya samin.
"Ang gagawin niyo, tatakbo kayo. paunahan na lang. Iikot kayo sa mga upuan na 'yan hanggang sa matapos kayong lahat maliwanag ba?"
Sabay sabay kaming napa 'Yes Sir!'
Nahati sa dalawang team ang section namin. Nakapila na kami, inilagay ako sa dulo at sa kabilang team naman ay si Red. Katulad ko nasa dulo din. Nakatingin lang siya sakin at ganun din ako ng biglang nagwhistle si Sir Mark. nag-unahan na silang makatakbo habang kami naman na hindi pa eh nagch-cheer lang sa kanila. Nang matapos na ang nasa harap ko. di ko akalain na si Red ang makakalaban ko. napatingin ako sa kanya.
"Wag kang magpapatalo sakin dahil hindi ako magpapatalo sayo" sabi niya.
Nang dahil dun nagready na ako. Anong tingin niya sakin hindi magaling tumakbo? Asa siya ipapakita ko sa kanya kung sinong magaling.
Nagwhistle na si Sir Mark nauna akong tumakbo. Nakasunod lang din sakin si Red. mas binilisan ko pa ang pagtakbo dahilan para mauna ako sa kanya. nagpaikot na kami sa upuan hanggang sa makabalik ako sa team ko.
"Akalain niyo 'yun si Kylie lang pala ang makakatalo kay Red." sigaw ni Andrew.
Sa section namin, si Red ang magaling, mabilis tumakbo. Kaya pala ako ang inilagay nila sa likod.
"Next, sino sa tingin niyo ang mabilis tumakbo sa girls?" Tanong ni sir mark.
Sinabi nilang ako at si Ayessa sa boys naman si Ralph at Red. Pinaglaban kami ni sir mark ang kalaban ko this time ay si Ayessa. kakatapos lang ng dalawa, si Red ang nanalo.
Nag-ready kami ng marinig namin ang whistle. Sabay kaming tumakbo. Nauna ako ng ilang hakbang kay ayessa ng parehas na kami liliko sa upuan ng bigla niya akong mabangga dahilan para parehas kaming madapa. Nauna ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla din s'yang nadapa katulad ko. Gayung ako ang nabangga niya.Dinaluhan agad kami ng mga kaklase namin narinig kong sinabi ni ayessa na madulas kaya bumagsak siya sa sahig ng gym.
Akala ko sakin lalapit si Red pero nagkamali ako. Una n'yang pinuntahan si ayessa kaysa sakin. Biglang nakaramdam ako ng sakit banda sa dibdib. Ako ang girlfriend pero bakit sa kanya pumunta?.
Tinanong nila kung okay lang ako. Sinabi ko naman na ayos lang pero sa loob loob ko nasasaktan ako.
Nakatingin lang ako sa kanila nasa harap ni Ayessa si Red. Makikita sa mga mata ni Red na puno ng pag-aalala para sa kanya. Naramdaman kong hinihimas ni Floyd ang likuran ko na s'yang nagsasabi na okay lang at wag akong masaktan. Itinayo na ni Red si Ayessa ng wala s'yang makitang galos.
Sabay silang humarap samin. Napatingin naman ako kay Floyd na nanlilisik ang matang nakatingin sa kanila. Nang biglang humakbang si Floyd na s'yang kinagulat ko kaya napahawak agad ako sa Kamay niya. Ramdam kong may gagawing masama si Floyd ayoko s'yang mapaaway.
Hinawi niya lang ang kamay ko na nakahawak sa kanya. Nang makalapit siya sa kanila ng bigla itong magsalita.
"Naks naman Red. Nauna ka pa kay Ralph ah. Hindi mo ba nakita na nasa lapag din ang girlfriend mo na dapat ikaw ang mag-asikaso? Look at her! Kita mo yung sugat sa siko niya? Hindi di ba? At ikaw!" Sabay duro niya kay Ayessa.
"Nakita kong malawak ang space mo para hindi kayo magkabangga ni Kylie alam kong sinadya mo para ano? magpapansin kay Red?" Nanlilisik na sabi ni Floyd. Nakakatakot siya pag galit.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan si Floyd sa kamay para sana ilayo.
"Floyd, tama na 'yan" awat ko sa kanya.
"Hindi kylie ni hindi nga nag-sorry 'yan sayo." Napayuko naman ako. Lumapit pa si Floyd kay Red.
"Baka nakakalimutan mo Red ang napag-usapan natin. Hindi lang ikaw ang lalaki na nararapat kay kylie. Alam mo na maraming nagkakagusto sa kanya." Ngumisi si Floyd at bago pa magkagulo hinila ko na siya palayo.
Narealize ko na baka hindi ko pa nagagawang paalisin si Ayessa sa buhay ni Red. Baka hanggang ngayun ay may feelings pa din siya para sa kanya. Tama ba itong hinala ko Oh pinapangunahan lang ako ng selos.