CHAPTER SIX - YES!

1440 Words
KYLIE POV Nakapalibot na naupo kami ng kagrupo ko. May pinagawa samin ang teacher namin. Kailangan naming umakting. kasama ko sa grupo si Ayessa,Daniel,France,Red,Daryl,kaiza,Raven,james at ako. "Red, dun muna kayo sa gilid. kami muna mag-uusap-usap kung pano ang gagawin." pukaw ni ayessa sa nagkukulit na magkakaibigan. "ahh sige tawagin niyo na lang kami pag okay na" nagpunta sila malapit sa door. dalawa ang door namin dito. Yung isa sa dulo na malapit sa table ng teacher at yung isa naman malapit sa blackboard. nasa harap kami ng blackboard. "So ang genre natin is horror" naka ngiting sabi ni ayessa. "Sure ka ba d'yan bes? Horror talaga? ano 'yun kailangan natin mag paka white lady? Multo? Ano?" nakakunot noong tanong ni Kaiza. "HAHA NO! of course not. Hindi tayo gagamit ng props ang naisip ko kasi pwede natin gawing horror kahit wala tayong props so eto nga Red lapit kayo may naisip na ako" nagsilapitan naman sila. "ahmm boys since dito lang din naman sa classroom gagawin yung acting eh kakalampagin niyo yung mga chair's tyaka kunyare magtatago kayo" "ah so sinasabi mo bang kunyare aakting lang tayong na naglalakad paunti unti at pagkumalampag na sila tyaka tayo mag sisisigaw ganun? Ang dali naman HAHA" sabi ni France. "para naman tayong mga tanga n'yan" nakapoker face na saad ni James. natawa na lang ako. "eh sa wala na akong maisip na iba basta 'yun na 'yun. Kunyare pupunta tayo sa abandonadong school tapos susundan niyo kami kunno. pag sobrang natakot na kami tyaka kayo lalabas. suggest nga kayo ng pangalan ng school" "ah! Alam ko na Kung Hito University? Kaya" nakangiting sabi ni Daniel "Hito? HAHAHAHA" Napuno ng tawanan ang lugar namin. kahapon kasi nagpaassignment si ma'am ng bugtong bugtong book. Isa sa mga hindi nahulaan ay ang hito kaya simula ng araw na 'yun lagi na lang nila binabanggit ang hito. "Seriously Daniel ang galing mo pwede na, so hito University na lang? O kung ayaw niyo suggest pa kayo" "wala na okay na' yan" sabay sabay naming sabi. Ngayun araw gaganapin yung acting ng bawat grupo. kinakabahan na nakakaexcite. kahit napakasimple lang ang gagawin namin. Nagpunta kami ng Mapeh room. ang suot ng grupo namin is Red Tshirt. nag si upo na kami at nag-umpisa na ang ibang grupo. Nahati sa limang grupo ang section namin. "Ayessa kayo na" sabi ng teacher namin. Katulad ng napagplanohan, nasabi na rin mga linya namin. natatawang nanood lang samin ang mga kaklase. lalo na yung part na sinabi ni kaiza na hito university ang pinasukan namin. Natapos din kami at natawag na rin ang kasunod samin. bigla akong ginulat ni Red sa likod na s'yang pagkalingon ko sa kanya eh biglang nawalan ako ng balanse. Agad niya akong naihapit palapit sa kanya. nasalo niya agad ako, kung hindi baka bumagsak ako sa sahig. Nagkatitigan kami, gulat na tinutukso kami ng buong klase pero hindi ko sila pinapansin. ang atensyon ko ay nasa taong sumalo sakin. nakatitig sa akin si Red. Nakikita kong masaya si Red. idagdag pang bigla itong ngumiti sakin na s'yang nagpabilis ng t***k ng puso ko. bigla akong umalis sa pagkakahawak niya at nahihiyang napayuko. "...Sa-salamat" "Wala 'yun kasalanan ko naman. kung hindi sana kita ginulat hindi mangyayare 'yun sayo." "Ayun oh pumaparaan si Red naks Sagutin mo na kasi kylie" naka ngiting sabi ni Joshua. Mahigit isang buwan na rin simula ng sabihin sakin ni Red na gusto niya akong ligawan. kinabukasan din na yun, lagi na s'yang nagpaparamdam na especial ako sa kanya. Lagi kaming tinutukso ng dahil sa ginagawa niya para sakin. Pag tuwing umaga aabang na siya sa gate na may dalang flowers. Nagulat din ako ng ibigay niya agad sakin. Pag kababa ko palang ng kotse. Pag nasa classroom na, dun na kami napapalibutan ng mga chismosa kong mga kaklase at syempre hindi nawawala mga tuksuhan nila samin. Hindi rin nagpapatalo mga kaklase naming boys. Sinasabi nila sa mga girls kung naiingit sila eh sagutin na rin sila. mga baliw lang. Bumalik na rin kami sa classroom Pagkatapos ng ibang grupo. Napalumbaba ako sa desk ng upuan ko ng bigla akong kalabitin ni Floyd. "Ang saya natin ah" sinimangutan ko lang siya. "Dapat bang sagutin ko na siya?" tanong ko. "ikaw lang makakasagot n'yan. bakit mahal mo na ba?" "Naalala ko na naipangako ko sa sarili ko na ako ang magpapaalis ng nararamdaman ni Red para kay ayessa. ngayun na nangyare na. Hindi na siya ganun kasaya. Hindi ko alam sa sarili ko, parang may iba na di ko mawari kung ano." Naguguluhan kong sabi. "Ibig sabihin lang 'yan masyado mong minadali ang lahat. kung mahal mo na at sayo lang ang atensyon niya edi Go ka. kung hindi at naguguluhan ka pa wag na muna." Payo ni Floyd. "Masaya ka ba sa ginagawa niya? Naipaparamdam niya ba sayo na gusto ka niya?" napayuko ako. Di ko pa sigurado kung handa na ba akong tanggapin si Red sa buhay ko. Napatingin kami ni Floyd sa Door. malapit sa blackboard. Humihingal na Daniel ang nakita namin. Nilibot niya ng tingin ang buong classroom hanggang sa mapako ang tingin niya samin ni Floyd or should I say Sakin?. Lumapit si Daniel at hinawakan ako sa pulsuhan at itinayo sa pagkakaupo. Kakaladkarin na sana niya ako ng hinawi ko ang pagkakahawak niya. Tinaasan ko siya ng kilay at napakamot naman siya sa ulo. "ahhm... Ano kasi kylie sasama ka sakin" saad niya. "At bakit?" tanong ko pagkuwan. "Si Red kasi ano..." "Ano? Anong tungkol kay Red?" Pag-aalalang sabi ko. "NAKIKIPAGSUNTUKAN SIYA KAY RALPH" sigaw niya. Nang dahil dun bigla akong tumakbo palabas ng classroom. Bigla kong naalala na di ko nga pala alam kung nasaan siya. Napahinto ako sa hagdan pababa. Bumalik ako sa classroom at doon nakita kong pritenteng naka upo si Daniel. Lumapit ako sa kanya at tyaka siya binatukan. "Alam ko ba kung nasaan si Red? Bakit mo ko hindi sinundan?" "Sensya na akala ko kasi alam mo kung nasaan siya" sabay tawa niya. Binatukan ko ulit.. gigil niya ako. "Nasa gym sila Red halika na" tumakbo na kami papuntang gym. Which is nasa Fourth floor. Nagtataka ako ng may mga rose petal sa dinaraanan namin. Naalarma ako ng pagkapasok ko eh agad na sinara ni Daniel ang Gym. May gate kasi 'yun at may lock. Bwisit nasaan ba yung sinasabi n'yang nagsusuntukan? Eh wala namang tao dito kundi ako lang. Biglang lumabas sa back stage si Axel, Red, Ralph at Carl kumuha ng Microphone si Red at umupo naman sa Drum set si Axel at yung dalawa naman may hawak ng gitara. Ano bang gagawin nila? "Para sayo to kylie" tumikhim muna si Red tyaka siya magsimulang kumanta ng tumugtog na mga kaibigan niya. Alam kong rinig sa buong school ang pagkanta ni Red meron kasing nakakabit na speaker dahil kada lunch break may Angelus. Minsan Oo Minsan hindi Minsan Tama Minsan Mali Umaabante Umaatras Kilos mong namimintas Kung Tunay nga ang Pag ibig mo Kaya mo bang Isigaw Iparating sa Mundo Ang ganda ng boses ni Red. Nakatingin lang siya sakin habang kumakanta. Bumaba sa stage para pumunta sa akin. Tumingin Saking Mata Magtapat ng Nadarama di Gusto ika'y Mawala Dahil handa akong ibigin ka kung maging tayo 'Sayo Lang ang Puso ko' Walang ibang Tatanggapin Ikaw at ikaw parin May gulo ba sayong isipan Di tugma sa nararamdaman kung tunay nga ang pag ibig mo Tumingin Saking Mata Magtapat ng Nadarama di Gusto ika'y Mawala Dahil handa akong ibigin ka kung maging tayo Kailangan ba kitang iwasan sa twing lalapit may paalam ibang anyo sa karamihan iba rin pag tayo, iba rin pag tayo lang Tumingin Saking Mata Magtapat ng Nadarama di Gusto ika'y Mawala Dahil handa akong ibigin ka kung maging tayo (Kung maging tayo) Kung maging tayo (Kung maging tayo) Kung Maging Tayo 'Sayo Na ang Puso ko' Nang matapos ang kanta. Tuluyan s'yang naka lapit sakin. Nagulat ako ng biglang bumukas ang dalawang gate ng Gym at inuluwan nun ang mga kaklase kong may ngiti sa labi. "Kylie, sa loob ng isang buwan na panliligaw sayo. Nalaman ko kung ano ka talaga sakin, sorry sa mga nasabi ko sayo noon. Sana maintindihan mo na nasabi ko lang ang mga bagay na 'yun dahil ikaw palang ang kilala kong may gusto sakin. Tyaka alam mo naman na iba ang gusto ko, Kylie can you be my Girlfriend?" Nakatingin lang ako sa kanya. Sasagutin ko na ba siya? Nag-hiyawan naman ang mga taong nandito sa Gym. Ngumiti ako sa kanya at sinabing.. "YES" Napayakap naman si Red sakin at naramdaman kong ngumiti siya. Sana tama ang disisyon ko na to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD