KYLIE POV
May dinaluhan kaming Party ng parents ko. Hindi sana ako sasama sa kanila pero kailangan. Si mommy ang pumili ng susuotin ko para sa Party. Birthday kasi ng Business Partner ni Dad. At kailangan ay nandun kami. Sanay na rin ako sa mga Parties dahil maraming naging kaibigan ang mga magulang ko na galing sa kilalang pamilya.
May inabot sa akin si Mommy na Maskara.
“Para saan to Mommy?” Tanong ko sa Kaniya.
“It's a masquerade Ball Iha. Kailangan mo iyan.” Sagot ni Mom. Tumango ako bilang tugon.
Umalis na kami sa House at laking gulat ko na sobrang daming tao. Ang gaganda ng mga suot at ang cute ng mga Mask na suot nila.
Excited akong bumaba. Naka sunod ako sa parents ko hanggang sa makapasok na kami sa loob.
Hindi ko alam ang gagawin. Pinakilala ako ng Parents ko sa Business Partner nila. Nakipagshake hands ako sa kanila.
Nagpaalam ako kay Dad na pupunta lang ako sa Garden. Nakahinga ako ng maluwag ng Wala ng masyadong tao sa Garden. Naupo ako at pinagmasdan ang Mga bituin at ang buwan.
Ang tahimik at tama lang ang lamig. Mas nakakaenjoy pa kung tutuosin ang ganito kasya makipaghalubilo ako sa loob. Hindi ko naman sila kilala kaya nakakabored.
Hindi ko napansin ang lalaking nasa tabi ko. Bahagya akong nagulat. Hindi ko Makita ang buong mukha niya sa suot nitong mask.
“What are you doing here?” He asked. Tono palang ng pananalita niya parang same age lang kami. Hindi naman kulubot ang mukha niya at Medyo Tama lang ang katawan nito para sa Teenager.
“I don't know anyone in this Party.” Sagot ko. Natawa siya at muli akong pinasadahan ng tingin.
“Same here. Kung hindi dahil sa Dad ko kasama ko sana mga kaibigan ko.” Aniya. Hindi ako nagsalita.
“May I know what's your name?” He asked nicely.
Sasabihin ko na sana ang pangalan ko ng bigla siyang tawagin. Tumayo siya at hinarap ako.
“Nice meeting you Miss.” Aniya at umalis na. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. This is the first time na nakipag-usap ako sa isang lalaki na hindi ko kilala.
Pumasok na rin ako sa loob at hinanap ng mata ko ang parents ko. Nakita ko agad si Mommy.
Biglang may nag-play ng Music. Magkahawak kamay ang parents ko at nagpunta sila sa gitna para sumayaw.
Pinapanood ko sila hanggang sa mapansin ko ang nakausap kong lalaki kanina na papalapit sa kinatatayuan ko.
Inilahad niya sa akin ang kamay at yumuko. Iniisip ko kung tatanggapin ko ba ang kamay niya hanggang sa pinagbigyan ko siya.
Kahit na may suot itong Mask. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi. Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa gitna.
He stand closely to me and with his hands gently on my waist. My upper hand place in his Arms. We interlace our hands and start Dancing with the slow music.
I smiled at him. Until The song ended. Bibitawan ko na sana ang kamay niya ng hinapit niya ako palapit sa kaniya.
“Hindi ko pa nakuha ang pangalan mo.” Aniya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya.
“I'm Rei Cruz.” I Said. Ngumiti siya sa akin at binitawan din ang kamay ko. Nagpunta ako sa parents ko.
Hindi rin kami nagtagal sa Party dahil may kailangan pang puntahan na maaga ang parents ko. Hindi ko makakalimutan ang gabing ito.
Kinabukasan..
Ayoko pa sanang bumangon ng bigla kong na alala na ngayun ang date namin ni Red. hanggang ngayun, hindi ko maiwasang hindi mapangiti pag tuwing naiisip ko.
Bumangon na ako at sinimulan ko na ang morning rituals ko. pagkatapos kong magbihis at okay na ang lahat ng bumaba na ako para mag-almusal. nasa cali ang parents ko para ayusin ang lahat ng kailangan ni ate maui para pag okay na, makauwi na silang dalawa.
Di naman nila pwedeng pabayaan na lang si ate maui gayung kami na lang ang kamag-anak niya. Nag umpisa na akong mag breakfast.
Napagpasyahan kong magpunta ng park dito sa subdivision namin. kasama ko ang alaga kong si cara ng biglang naramdaman kong may nagvibrate sa bulsa ko. baka may nagtext sakin kaya kinuha ko muna. di ko namalayan na nabitawan ko ang tali ni cara kaya tumakbo na siya papalayo sakin. napasigaw pa ako pero tinakbo ko din hanggang sa mahawakan ko ang dulo ng tali niya.
Sa sobrang pagod ko kakatakbo para lang maabutan si cara. may nakita akong bench dito sa park. naupo muna ako dun ng ilang minuto hanggang sa napagdisisyon kong umuwi na.
Habang naglalakad ako, napansin ko ang lalaking nakajacket na black. may cap na suot at nakajeans. tumatakbo, nasa iisang daan lang kami kaya magkakasalubungan. bigla n'yang nabangga ang braso ko.
Sa gulat agad kong nahawakan ang kamay niya ng balak pa atang takasan ginawa niya sakin.
"Hoy mister nabangga mo ko pero hindi ka man lang huminto para magsorry" bulyaw ko sa kanya.
Tinaasan niya lang ako ng kilay hanggang sa mapako ang tingin niya sa magka hawak kamay namin. Agad ko s'yang nabitawan. Ngumisi naman siya sakin. aba't may gana pa s'yang ngumisi. Anong tingin niya sakin? na gusto ko s'yang hawakan? Kapal muks naman nito.
"Miss i'm sorry okay? may tinatakasan lang kaya di ko napansin na nabangga na pala kita" sabi ni mister.
"Nabangga mo nga, kung hindi ko pa nahawakan kamay mo malamang wala kang balak na mag-sorry sakin" Nakakunot noong saad ko sa kanya.
"Okay kaya nga nagsosorry na eh. Alam ko namang gusto mo lang makita ang gwapo kong mukha kaya pinahinto mo ako." ngumisi siya sakin na s'yang nagpainis sakin.
"Hoy FYI mister hindi ko gustong hawakan ka. ang gusto ko, magsorry ka sakin. what do you think moron? Ako? gustong makita mukha mo? Eh hindi ka naman kagwapuhan" ngumisi ako sa kanya na s'yang tinawanan niya lang. wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah.
"Are you sure? Lahat ng babae na makakasalubong ko o di kaya makakakita sakin, nag kakagusto na sakin. baka nga isa ka sa mga babae na 'yun na nagpapapansin sakin" aba't nakuha pang pagbintangan ako ng kupal na to.
"Hoy mister hambog na feeling gwapo. hindi kita gusto ngayun lang kita nakita. mas gwapo pa sayo crush ko kaya wag ako" pasigaw na sagot ko sa kanya. wala hiya eh, pagbintangan ba naman akong may gusto sa kanya. duh kahit gwapo siya hindi ako magkakagusto sa kanya.
"Oo na lang..kahit alam ko namang may gusto ka na sakin HAHA. nice to meet you miss, ngayun napansin na kita bye na." kumaripas na siya ng takbo bago pa ako mangamatis sa sobrang inis sa lalaking 'yun arrgh naman.
Pagkatapos ng pangyayareng iyon. Nagpunta na ako sa napag-usapan namin ni Red na sa SamNiel's café kami magkikita. Nagtext siya sakin na nasa loob na siya kaya nagmamadali akong makapunta sa cafe na napagusapan namin. Hanggang ngayun naiinis pa rin ako kay mister feelingero.
Pagkapasok ko sa cafe binati ako ng waiter nila. Inilibot ko ang tingin ang lugar hanggang sa makita ko si Red na nakatingin sa phone niya at nakakunot noo. hayst, lumapit ako sa kanya at kinalabit siya. Nagulat pa siya ng dahil doon.
'"Hi kylie, halika upo ka" naka ngiting saad niya sakin. Tumayo si Red para ipaghila ako ng upuan at ng maupo na at sa tingin niya okay na. tyaka siya naupo sa kinalalagyan niya kanina.
Nagtawag siya ng waiter. Dali dali namang lumapit samin ang waiter at kinuha ang order namin. Nang makuha na ang order walang salitang namutawi mula samin ni Red.
Ang awkward..
"Alam kong nagtataka ka. I want you to know na gusto kong bigyan ng chance na magkakilalahan pa tayo, Alam kong hindi naging maganda ang first encounter natin pero let's
move on and make a new memories together kylie" nakangiting pahayag niya sakin. Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
"Ewan ko ba Red at bigla na lang nagbago pakikitungo mo sakin. nung una nagtataka ako pero alam ko namang may rason kung bakit at pabor din sakin ang kagustuhan mo" nangiting saad ko sa kanya.
"Kylie I want to hmm- ano never mind."
huh? Anong nangyare sa kanya?
"Alam kong naguguluhan ka to know na ngayun lang tayo nakakapagusap ng ganito pero kylie. Gusto ko kasing maramdaman na minamahal, kung iniisip mong dahil to kay ayessa don't please. Hindi kita gagawing panakip butas. Alam ko na ikaw lang ang makakapagparamdam sakin na kung paano magmahal. Don't worry matututunan din kita mahalin just give us a chance, please gusto kitang ligawan." napayuko ako. napapikit ng mariin at nag angat ng tingin. nakikita ko sa mata niya na gusto nga n'yang magkaroon ng chance kung ano ang meron kami ngayun.
Parang kailan lang nung sinabi niya sakin na hindi siya magkakagusto sakin. ayaw n'yang umabot sa 'mahal' ang nararamdaman ko sa kanya.
"Pag-iisipan ko Red." sabi ko pagkatapos ng ilang minuto na pagpapakalma sa puso ko na malakas na tumitibok ng dahil sa sinabi ni Red sakin.