IT was Saturday, walang pasok si Vladimmir family bonding wika nga nila. Kung ano-ano ang kanyang iniisip na lugar kagabi kung saan niya ipapasyal ngayong araw si Akhee. Baka mamaya at susulpot na naman si Hale sa kanilang bahay at sila na naman ang mamamasyal. Habang si ay kagabi pa ito nakokornihan at nagtataka sa mga ikinikilos ng kanyang asawa. Kagaya ngayong umaga na kanina pa pasulyap- sulyap sa kanya si Vladimmir. Nakikita naman niya iyin sa sulok ng kanyang mga mata habang nagbabasa siya ng diyaryo. Narinig niya ang pagtikhim ni Vla at umusog sa kanyang tabi. "May pupuntahan ka ba?" tanong nito kay Akhee. "Ha? W- Wala!" nautal pang sagot ni Akhee. Napalunok naman si Vladimmir. "Gusto mong mamasyal?" tanong nito ulit. "Ha? Saan?" nagtatakang sagot tanong ni Akhee. "Kahit saan!