"GUSTO mong sumakay sa kabayo?" tanong ni Vladimmir kay Akhee nang nasa kuwadra na sila. Saglit na nag-isip si Akhee, nababahala siya kasi buntis pa naman siya. Baka bawal ang sumakay sa kabayo ang isang buntis, takot siyang makunan. "Ahm...takot ako eh! Next time na lang siguro," alanganing sagot ni Akhee. "Ganoon ba? Sige, puntahan na lang natin ang fishpond. Gusto mong mamingwit tayo?" sabi naman ni Vladimmir. "Sige ba!" sang- ayon ni Akhee. Ngumiti naman ng bahagya si Vlad at inakay na niya ang kanyang asawa. Pinuntahan nila ang isang katiwala roon upang humingi ng pamingwit at upuan. "Bakit isang upuan lang?" tanong ni Akhee nang naglalakad na sila papuntang fishpond. "Okay na ito, kaya ko namang tumayo at ikaw na lang ang uupo." Sagot ni Vladimmir. "Ah...sige!" mahinang tugon