SOBRANG nag- enjoy si Akhee ss kanilang bonding ni Vladimmir. Nagpapasalamat din ito dahil hindi nag- alburuto ang kanyang sikmura sa kanilang pamamasyal. Dahil kung nagkataong nagsuka siya roon malamang alam na ng lahat na buntis siya. Hindi naman siya natatakot kaya lang ay ayaw pa muna niya dahil nga sa problemang nararanasan nilang mag-asawa. Na tila naman okay na kahit papaano. Kailangan lamang pala ang forgive and forget wika nga nila. Kahit papaano ay napanatag na ang loob ni Akhee dahil sa wakas ay nakitaan din niya ng pagmamalasakit at kasiyahan ang kanyang asawa. Pinapadama niya sa kanya kahit paaano na mag- asawa nga sila. Hindi kagaya noong una na para silang mga estrangero na magkasama sa iisang bubong ng bahay. Dahil siguro sa nakita niya noong nakabalik na siya sa kanilang b