MAGMULA nang nalaman ni Vladimmir na buntis si Akhee mas lalo na itong naging caring at sweet dito. Over protective na rin at over alaga na niya si Akhee. Humingi rin ng kapatawaran si Vladimmir sa nagawa niya noong gabi at pinatunayan nitong hindi niya kagustuhan ang ginawa ni Gigi dahil nga sa lasing siya. Parati na rin siyang binibisita ng kanyang mga in laws parents at ang kanyang Papa maging si Tita Marga niya. Tuwang-tuwa ang lahat at excited sa paglabas ng baby na magda- dalawang buwan pa nga lang. Natatawa na lamang si Akhee sa reaksyon ng lahat maging sa kanyang asawa. Subalit ang hindi alam ng lahat ay mas masaya pala si Akhee at mas excited. Hindi naman nalingid kay Hale ang balitang buntis na si Akhee. At bisita nga ito ni Akhee sa araw na iyon. "Congratulations! Magiging Momm