MAS lalo nang hindi nagkibuan dina Akhee at Vladimmir ng limang araw. Inaaliw na lang ni Akhee ang kanyang sarili ss kanyang mga halaman. Minsan nakikipagkwentuhan siya sa mag- inang Aling Guada at Amy. Natatanong tuloy ni Akhee kung mag- click kaya ang kanilang relasyong mag- asawa. Dahil ayon sa kanyang nakikita parang malabo na. Iyong konting katiting na pag-asang maging smooth ang kanilang relasyong mag-asawa ay tila nawawala. At hindi alam ni Akhee kung aasa pa ba siya o hindi na. Ano pa ba ang nagbubuklod sa kanilang dalawa isang papel lamang ba na siyang kapwa nila nilagdaan sa harap ng altar wala ng iba? Kagaya ngayon, kanina lang ay magkausap sila pero noong dumating na si Hale lumayo na bigla sa kanya si Vlad. Kung maaari lang ay ayaw siya nitong tingnan o makatabi man lamang. Na