C- 23: At the party

1259 Words

NGAYON ang araw ng kaarawan ng Mama ni Hale. Marami silang bisita, and ofcourse dumalo naman ang mag-asawa kasama ang mga magulang ni Vladimmir. Masayang- masaya namang nagkita ang dating magkaibigan. Napaiyak pa nga ang dalawang Ginang dahil sa muli nilang pagkikita. At hindi nila maiwasang maalala ang Mama ni Akhee. Napapangiti na lamang si Akhee dahil kahit papaano ay naalala pa rin nila ang kanyang Mama. Naisip niya na siguro kapag buhay pa ito ay mas masaya pa ang dalawa at siyempre maging siya. Hindi niya maitatagong sabik na sabik nga siya sa pagmamahal at kalinga ng isang ama na minsan natagpuan niya sa katauhan ng Mama ni Hale. Niyakap siya ng Ginang pagkatapos silang magbatian. "Kumusta na ang prinsesa ni Hale? Lalo kang gumanda iha, ngayong reyna ka na ni Vlad." Sabi ng Ginang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD