MEDYO naparami na nang nainom si Akhee dahil na rin sa udyok ng kanyang mga kaibigan . Napasarap kasi sila ng kwentuhan lalo na nang matapos ang program ng birthday celebrant. Na hinayaan lamang ni Vladimmir at patuloy din ito sa pakikipag-usap sa mga ka- partner nito sa negosyo. Hindi naman nalingid kay Hale na medyo tamado na si Akhee kung kaya't nilapitan na niya ito. "Akhee, tama na medyo tamado ka na!" bulong ng binata. Napahagikgik si Akhee na dati niyang ginagawa kapag lasing na ito. Sinipat pa niyang mabuti ang mukha ni Hale. "Uy si Heaven pala este Hell! Oh my bad, it's Hale ang aking knight in shining armor!" wika ni Akhee. "Please stop it, come on!" muling bulong ni Hale at inagaw na nito ang hawak na alak ni Akhee. "Ikaw talaga alam mo panira ka. Hindi porket ikaw na lang