NAGISING si Akhee na tila may mabigat na bagay ang siyang nakadantay sa kanyang katawan. Medyo masakit ang kanyang ulo dahil sa nangyari kagabi, parang siya ang nalasing kagabi kahit naman iyon ay ang asawa niya. Bumaling siya sa kanyanh bandang kaliwa at ganoon na lamang ang kanyang panggigilalas nangbang kanyang asawa pala ang nasa tabi niya. Bumalikwas ng bangon si Akhee dahil tila hinalukay ang kanyang sikmura. Patakbo niyang tinungo ang banyo at doon nagsuka nang nagsuka. Halos manghina ito na napasandal sa may pader. Nasa ganoong ayos muna siya ng ilang minuto bago niya hinilamusan ang kanyang mukha. Inayos niya muna ang kanyang mukha bago tuluyang lumabas mula sa banyo. Napatigil pa si Akhee nang makitang gising na rin ang kanyang asawa. Nagkatitigan silang dalawa subalit si Akhee a