ILANG sandali pa at narinig na ni Akhee ang ugong ng sasakyan ni Vladimmir. Gusto niyang silipin ito sa binatana kaya lang ay pinigilan niya ang kanyang sarili. Mas nanaig ang kanyang kagustuhang sorpresahin ang kanyang asawa kasama ang kanyang ultrasound. Huminga nang maluwag si Akhee at excited sa pagpasok ni Vladimmir kung kaya't agad niyang pinatay ang ilaw sa sala pati na ang tv. Bubulagain niya si Vladimmir at tiyak magugulat ito dahil sa biglaan niyang pagdating. Pumuwesto si Akhee sa may pintuan upang makita niya si Vladimmir pagpasok nito. Bumukas ang pinto kasabay ng pagpasok ni Vladimmir na alam mong lasing kahit na madilim. At hindi ito nag-iisa, may kaagapay itong pumasok kaya ang siste si Akhee ang hindi nakakilos sa kanyang kinatatayuan. Lalo na nang igiya ng kasama ni Vladi