HINDI mapigil ni Akhee ang umiyak. Sino ba ang asawang masaya na wala ang kanyang asawa at hindi alam kung nasaan. Sino ba ang matutuwa kung ang isang tao ay nakokontak mo kapag text pero hindi naman sumasagot kung sa tawag. Lalong-lalo na kung bigla na lamang nawala na hindi mo alam ang dahilan at hindi mo alam kung ayaw ka na niyang makita dahil mayroon na itong iba. Ang hirap lang tanggapin na noong isang araw lang ay magkasundo sila tapos kinabukasan bigla na lang naging malabo ang lahat nang wala man lang magandang explanation. "Tahan na, gagawa tayo ng paraan. Alam mo, mas magandang ipagbigay alam mo na ito sa mga magulang ni Vladimmir. Para makatulong sila na magkaharap kayong mag- asawa if ever nga nagloloko na siya." Payo ni Yen nang maihatid niya sina Akhee sa kanilang bahay. "