TUMULOY pa rin sina Akhee at Aling Guada na pumunta sa kumpanya ni Vladimmir. Upang komprontahin ang kanyang asawa tungkol sa hindi nito pag-uwi kagabi at sa kung ano bang meron talaga sa kanila ni Gigi. Masakit man para kay Akhee subalit kailangang magkaalaman na. Dire- diretso lang si Akhee sa loob ng kumpanya hanggang marating nito ang main office ng kanyang asawa. Siya namang paglabas ni Yen mula sa loob ng opisina ni Vladimmir. Nagulat pa ito nang makitang naroon si Akhee. "Akheela! Good morning!" masayang wika ni Yen. "Good morning too, Yen! Nariyan ba ang asawa ko?" sagot ni Akhee na pinilit lang nito ang ngumiti. Napaawang ang labi ni Yen. "May problema ba? Kailangan ko siyang makausap sana!" muling wika ni Akhee. "Seryoso ka? Kasi, nag-text siya sa akin to close his office d