UMINOM NGA si Akhew pagkatapos ng work ni Hale. Hindi na rin siya sumipot sa sumipot sa kanilang tagpuan nina Darlene. Nagdahilan na lamang si Akhee na may pupuntahan silang mag- asawa. Ayaw niyang makita ng mga ito na umiiyak siya at paniguradong sandamakmak na sermon at isang milyong kantiyaw. "Ano ba kasing problema?" tanong ni Hale habang pinapanood si Akhew na panay ang tungga nito sa alak na hawak. Habang si Akhee naman ay ngayon lang niya hindi masabi- sabi kay Hale ang kanyang problema. At hindi rin niya alam kung saan siya magsisimula at paano niya iyon sasabihin. "Akhee, noon hindi ko pa man tinatanong kung ano ang problema mo sinasabi mo na. Pero bakit ngayon? Sa tawag pa lang tinanong na kita hindi mo sinagot. Hanggang ngayon na umiinom ka na ay hindi mo pa rin nasasabi. Ma