MABILIS na nakarating si Akhee sa kumpanya ng kanyang asawa. Nagtanong lang siya sa may information desk at kitang-kita niya ang gulat sa mga mukha ng mga naroon. Narinig pa niyang ang akala raw nila ay single pa ang kanilang boss. Natawa na lamang si Akhee sa kanyang mga narinig. Siguro ay pinagpapantasyahan ng mga iyon ang kanyang masungit na asawa. Nasa third floor lang daw ang main office ni Vladimmir kaya dire- diretso na siyang nagtungo roon . Subalit bago siya makarating sa may opisina ni Vlad ay nadaanan ni Akhee ang table ng kanyang secretary. "Hello, Ma'am alam po ba ni Sir na narito po kayo?" agad na tanong ng dalaga ang sekretarya ni Vlad. "Hindi pero alam niyang idadaan ko ang kanyang baon today." Sagot ni Akhee kilala na siya ng sekretarya ni Vlad dahil dumalo ito noong kas