PUMASOK na si Vladimmir kinabukasan. Masaya namang inihatid ni Akhee ito hanggang sa may gate. Masiglang itong bumalik sa loob ng bahay. Tinungo nito ang kanyang mini garden. "Hello, mga bulaklakis ko! Magparami kayo ng bulaklak ha, para matuwa si Mommy!" sabi ni Akhee. Siya namang paglapit ni Amy upang diligan ang mga halamang tanim ni Akhee. Plano rin niyang magtanim ng mga gulay sa may mga paso. Kaya lang sa may gawing likod na ng kanilang bahay para may mini garden din siyang matatawag. "Hmmmm...mukhang maganda ang mood mo ate ah!" sabi ng dalaga habang papalapit sa kinaroroonan ni Akhee. Napatawa si Akhee. "Hindi naman! Namumulaklak na kasi ang aking mga halaman kaya natutuwa ako!" sagot nito. "Hindi ate ang ibig kong sabihin, mukhang good mood ka at blooming. Ayiiieee, nagkakam