NAGISING si Vladimmir sa kalagitnaan ng gabi. Nakadama ito nang uhaw kung kaya't wala itong nagawa kundi ang bumangon upang uminom. Medyo tulog pa ang diwa nito at papikit-pikit pa ang kanyang mga mata habang naglalakad patungo sa kanilang kusina. Upang magulat at masindak sa kanyang naratnan sa may kusina nang buksan nito ang ilaw. Si Akhee na nakaupo sa may dining table na patay ang ilaw at animo multo dahil nga mahaba ang buhok nito. Habang may isang mangkok ng sawsawang alamang na bagoong at mga nahiwang mangga pati na ang mga mansanas. Kapwa sila nagkatitigan habang nakaawang ang labi ni Vladimmir at napalunok pa nga ito. Na para bang si Vladimmir ang naglaway sa kinakain ni Akhee. Magsasalita na sana si Vladimmir nang maalala nito ang huling bilin ni Yen na kapag nahuli niya ang tuna