KINABUKASAN ay maagang nagising si Vladimmir upang pumasok sa kanyang kumpanya. Halo-halo ang nararamdaman naman nito habang pumapasok sa kanyang opisina. Sa daan pa lamang ay nasabi na niya kay Yen ang nakita nito kay Akhee kagabi lamang. Tulog pa ang kanyang asawa nang umalis ito. Hindi na niya ginising tutal hindi pa naman sila totally okay. Kahit na gustong-gusto na niya niyang magbati silang dalawa kaya lang ay si Akhee ang siyang lumalayo. "Ano pa ang gagawin ko upang mapatunayang buntis ang asawa ko Yen?" atat na tanong ni Vladimmir sa kanyang sekretarya. "Jusmio mario! Tiyak nang buntis ang asawa mo, sa pregnancy test pa lamang na nakuha mo sa sofa at sa pag- crave niya ng mga maasim." Sagot ni Yen. "Parang hindi ako kumbinsido!" himutok ni Vladimmir habang himas-himas nito ang