TAKANG-TAKA si Hale kay Akhee dahil sa kakaibang gusto nito ngayon sa pagkain. Dahil dati, ayaw ni Akhee ng mga maaanghang na pagkain. Hindi rin ito mahilig sa maaasim at mas lalong hindi pa siya nilalait about his looks and scents. "Anong sabi mo? Mabaho ako? Kakaligo ko lang before kitang yayain na lumabas FYI!" sabi ng binata. "Ah...basta! Ang pangit mo today and you're mabaho!" giit ni Akhee. "Saka, are you sure na makain mo 'yang double chili pizza na inorder mo? Tapang mo ngayon ha? Dati, burger pa lang na maanghang nakangiwi ka na!" saad ni Hale. "Bakit, wala ba akong karapatang palitan ang mga dati kong kinakain?" pandidilat ni Akhee. "Hindi naman sa ganoon ang ibig kong sabihin! Nagtataka lang ako!" paliwanag ng binata. "Shut up na! Kung anu- anong sinasabi mo, remember may