SA balikat ni Hale umiyak si Akhee. Nang mahimasmasan ay hinanap nito switch ng ilaw at binuksan iyon. Saka marahas na tumingin kay Vladimmir na nakatitig din pala kay Akhee. "Bakit mo nagawa sa akin ito? Sa amin ng anak mo? Hinanap pa naman kita kasi akala ko may masamang nangyari sa'yo! Iyon pala, talagang narito ka lang sa piling ni Gigi!" punong-puno ng galit na sabi ni Akhee. "Hindi ba sabi ko kasi sa'yo hiwalayan mo na ang inutil na 'yan?" sabad naman ni Hale. "Dapat pala nakinig ako kay Hale at hindi sa lintik na puso kong ito." Patuloy na sabi ni Akhee sabay turo sa kanyang dibdib habang luhaan. Subalit nanatiling nakatingin si Vladimmir kay Akhee. Umungol kinalaunan na may gustong sabihin subalit hindi ito nakakalabas sa kanyang bibig. Napakunot noo naman si Akhee at tinitigan