Akma na sanang hihilahin ni Hale si Akhee ay siya namang pagbukas ng pinto ar iniluwa roon ang mga magulang nina Akhee. Kasama ang mga pulis na siyang ikinabigla nina Hale at Gigi dahilan upang hindi makakilos ang dalawa. Habang si Akhee ay mabilis niyang itinulak si Hale sa kanyang harapan at patakbo itong lumapit sa kanyang Papa. "Walang kikilos sa inyo, itaas ang inyong mga kamay!" sabi ng pulis na siyang pinuno sa kanilang oo operasyon. Napapikit si Hale habang namutla naman si Gigi at hindi malaman ang kanyang gagawin. Mabibilis ang kilos ng mga pulis at agad na ipinosas sina Hale at Gigi. "Ngayon niyo pagbayaran ang inyong mga ginawang sarili lamang ninyo ang inyong iniisip!" napopoot na sabi ni Akhee sa dalawa. Nilapitan niya si Gigi at sinampal ng makailang ulit na halos tumabi