Pagkamulat ni Akhee sa kanyang mga mata ay nasa hospital na siya. Naroon din ang kanyang Papa maging sina Vladimmir at mga magulang nito. Agad na iniwasan ni Akhee ang mga titig sa kanya ni Vladimmir. "Anak, walang mabuting patutunguhan ang lahat kung isasarado mo na nang tuluyan ang iyong isipan." Narinig ni Akhee na sabi ng kanyang Papa. Hindi sumagot si Akhee. Talagang hindi siya tumingin kay Vladimmir maging sa kanyang ama. "Hayaan niyo na po muna siya, naiintindihan ko pong naguguluhan pa si Akhee." Mahinang sabi ni Vladimmir sabay tayo at malungkot na lumabas ng kwarto. Tila may kumirot sa dibdib ni Akhee nang marinig niya ang mga papalayong yabag ni Vladimmir. Napakurap-kurap ito upang hindi malaglag ang kanyang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Narinig ni Akhee ang isang