LABIS-LABIS na nag- enjoy si Akhee sa Isla Manhattan. Nakakatawa pero hindi honeymoon ang inatupag nilang dalawa kundi ang mamasyal nang mamasyal. Nagulat na lang sila pareho nang mamataan nila ang barkada ni Vlad na naroon na rin. Kaya imbes na magalit si Akhee ay nagpasalamat pa nga ito dahil medyo naaasiwa pa rin silang mag- asawa kapag magkasama sila. Mabuti nang meron na iyong mga barkad ni Vlad para mas masaya ang kanilang pamamasyal. Saka kung si Akhee ang tatanungin, huwag na sanang maulit ang nangyari sa kanila ni Vlad noong gabi pagkatapos ng kanilang kasal. Wala man siyang literal na nararamdaman para sa kanyang asawa subalit marupok siya pagdating sa mga haplos at mga halik nito sa kanya. Bagay na kailanman ay hindi niya naramdaman sa ibang lalaki noon. Last day na nila ngayon