C- 11: Planong uuwi

1124 Words

AYAW pa sana ni Akhee ang umuwi subalit iyon na ang end ng kanilang honeymoon ni Vladimmir. Nauna na silang umuwi pero naiwan ang barkada ni Vladimmir. Dumiretso na sila sa Mansyon para makapagpahinga ng maayos dahil medyo napagod sila sa biyahe. "Kumusta naman ang pagpunta niyo sa Isla Manhattan?" tanong ni Donya Amara. "Okay naman po!" kiming sagot ni Akhee. "Mabuti naman kung ganoon iha? Hindi ba naman pinasakit ni Vladimmir ang iyong ulo?" muling tanong ng Donya. Napasulyap naman si Akhee kay Vladimmir na tahimik lang sa isang tabi habang nakaupo sa may couch. "Hindi naman po!" kimi pa rin nitong sagot. "Naku, kapag pinapasakit niya ang ulo mo sabihan mo lang ako ha?" wika ng Donya. Natawa naman si Akhee habang napairap naman si Vladimmir. "Akala mo ikaw ang kakampihan ko ano?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD