NATULOY nga silang mag- asawa na umuwi sa kanila. Ilang oras lang naman ang biyahe kaya hindi kainip- inip ang magbiyahe papunta sa kanila. Agad silang sinalubong ng kanyang Papa at Tita Marga niya maging si Dylan pagka- parking ng kanilang sasakyan. "Vladimmir iho, welcome sa aming bahay!" magiliw na sabi ni Samuel. Ngumiti naman si Vladimmir sabay mano sa mag-asawa. "Hindi ba naman nagpapasaway si Akhee?" tanong ni Samuel ulit kay Vladimmir. "Hindi naman po!" kiming sagot ni Vladimmir. "Mabait ako roon, wala kang dapat ipag- alala Papa!" sabad naman ni Akhee. "Malay ko ba anak, napakasaway mo rito!" tugon naman ni Samuel. Pinaikot na lamang ni Akhee ang kanyang mga mata at nauna na itong pumasok. Dahil giliw na giliw sina Samuel at Marga kay Vladimmir habang kausap nila ito. "He