C- 13: Hang out

1014 Words

MAGANA NAMAN silang lahat na kumain. Panay pa nga ang tawanan nilang lahat maliban kay Akhee. Panaka- naka lang naman itong nakikitawa. Matagal na ngang panahon na naging ganoon kaingay ang kanilang pamilya. Hindi na nga maalala ni Akhee kung kailan ang huli. Basta ang alam niya ngayon ja lang ganoon kasaya ang kanilang pamilya kasama si Vladimmir na noon lang napadpad doon. "Sana lagi kayong pumasyal iho. Maraming magagandang pasyalan dito!" sabi ni Samuel. "Hayaan niyo po dadalasan namin!" sagot naman ni Vladimmir. Tumango-tango ang mag-asawa at matamis ang kanilang mga ngiti. Masaya naman kahit papaano si Akhee. Mag-bestfriend kasi ang kani- kanilang mga magulang kaya siyempre talagang tanggap nila si Vladimmir. Baka kung ibang lalaki lang hindi pumayag ang kanyang Papa na makasal si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD