NAG-ENJOY ANG magkapatid na Dylan at Dexter sa paglalaro nila ng basketball kasama si Vladimmir. Kahit si Akhee ay nag-enjoy din sa panonood sa tatlo naisip niyang maganda din pala ang basketball. Na dati ay hindi siya mahilig. Ni hindi siya nanood, mukbang ang hilig nila Hale. Ang sport naman ni Hale table tennis, siya naman skating. Kaya ngayon lang talaga siya nanood ng larong basketball. Ngayon lang niya napagtantong kaya pala baliw na baliw sina Darlene at ang iba pa dahil maganda palang manood. Napapsigaw ka, na napapa-cheer sabay tawa. Madilim na nang makauwi sila sa kanilang bahay. Makikita mong pagod na pagod ang tatlo dahil sa mga pawis ng mga ito. "Bukas ulit kuya?" tanong ni Dexter. "Oo ba!" mabilis namang sagot ni Vladimmir. "Uy, huwag abusado ha? Hindi robot ang kuya niyo!