NAKAHIGA na si Akhee dahil tapos na silang maghapunan. Idinahilan na lamang niyang napagod siya at gusto na nitong magpahinga. Napukaw lamang ang pansin ni Akheela sa katok na kanyang narinig. "Sino 'yan?" tanong nito. "Papa mo ito anak! Tulog ka na ba?" sagot na tanong din ng ama nito. Bumangon naman si Akhee at tinungo ang pinto upang pagbuksan ang kanyang ama. "Bakit po Papa?" tanong na naman ni Akhee. Matamang tinitigan ni Samuel ang kanyang anak. "Papa?" muling tanong ni Akhee. "Anak, may problema ba kayo ni Vladimmir?" tanong din ng ama nito. "Ho? W- Wala naman po!" pagkakaila ni Akhee. Napabuntonghininga naman si Samuel. "Anak, nasa sala ang asawa mo at hinahanap ka. Akala ko ba nagpaalam ka sa kanya?" Ani nito. Napalunok naman si Akhee at saka napatungo. "Okay! Hindi mu