C-60: Gustong mapag-isa..

1325 Words

HINDI umuwi si Akhee sa bahay nila ni Vladimmir. Bagkus ay umuwi siya sa kanilang bahay. Alam nitong magtataka ang lahat kung bakit biglaan ang kanyang pagdating. Subalit nakahabi na siya ng kanyang idadahilan kanina habang sakay ito ng taxi. Gusto niya munang makahinga nang maayos iyong walang iniisip muna. Pakiramdam niya malalaglag ang kanyang ipinagbubuntis lalo na kaninang umiiyak siya sa daan. Itinigil niya lang nang maramdaman nitong biglang nag-cramps ang kanyang puson. Anumang mangyari ayaw niyang maapektuhan ang batang nasa kanyang sinapupunan. Alam niya ang pakiramdam ng isang ina na mawalan ng anak lalo na ang mga hindi pa nasilayan ang mundo. "Nakapasyal ka, Akhee!" masayang wika ni Marga nang makita niya ang kanyang step- daughter. Kiming ngumiti si Akhee saka ito bumeso sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD