GUMISING si Akhee na mabigat at masakit ang kanyang ulo. Sapo niya iyon sabay mulat ng kanyang mga mata. Nasusuka siya na nakakaramdam pa rin ng hilo. Siya namang pagbukas ng pinto. Si Aling Guada ang pumasok at may dalang mainit na sabaw plus gamot. "Gising ka na pala iha. Kainin mo ito at inumin ang gamot na dala ko. Maagang nagising ang asawa mo at nagluto ng tinolang manok. Pumunta pa ito ng drug store at bumili ng iyong gamot. Kabilin- bilinan niyang painumin kita ng gamot at pakainin ng mainit na sabaw." Saad ni Aling Guada. "Salamat po!" kiming sagot ni Akhee sabay tayo. Tinungo niya ang banyo upang maghilamos at mag- toothbrush. Parang robot lamang na naglalakad at kumikilos si Akhee. Inayos niya ang kanyang mukha nang makalabas siya ng banyo. Nakita niyang alas- otso na pala ng