MAS LALONG sumakit ang ulo ni Akhee dahil sa pagdating ni Gigi. At lantaran pa ang kakapalan ng pagmumukha ng dalaga para sabihan siya ng mga hindi kanais- nais na mga salita. Mga salitang kahit ang bobo ayaw pumayag sa gusto nitong mangyari. "Ate, sino ba 'yon?" tanong ni Amy nang malapitan nito si Akhee na nakatingin pa rin sa may gate. Napakurap-kurap si Akhee at nilingon si Amy na papalapit na sa kanya. "Ah...dating kaibigan ng Kuya Vladimmir mo." Matamlay na sagot ni Akhee. "Kaibigan o kaibig- gan?" tanong ulit ng dalaga. Kaya mapaklang tumawa si Akhee. "Lukaret ka! Hindi ko alam kung ano ba ang tunay basta dating kaibigan period!" Wika niya. Napahagikgik naman si Amy. "Pero parang pamilyar naman siya sa akin eh! Parang siya 'yong pinatapon ni Kuya Vladimmir na litrato bago ta