Chapter 29: Real Or Impostor? YRON's P.O.V Nang makababa kami sa hot air balloon ay nagmaneho ako pabalik sa rest house namin dito sa Bohol dahil balak ko sanang doon nalang kami kumain ni Kianna dahil nandun naman yung pamilya ko. Paghinto namin doon ay tinanggal ko ang shades at mask ko saka siya hinawakan papasok ng rest house. "Let's go inside?" nakangiti na turan ko ng makita kong ngumiti siya sakin saka kami pumasok sa loob ng rest house ng makita naming parang nagkakagulo sa sala. "Hey Fatass!" tawag ko kay Yros nang makita ko na nag aalala na humarap siya at bahagyang napasulyap sa kasama kong si Kianna. "Twin... May balita kami sayo!" natataranta na turan niya saka ko inakbayan saka kami lumakad palayo kay Kianna ng makita kong pumunta kami sa isang kwarto. Pagbukas sa kwar