Chapter 30: Suspicious CHIMENEYA's P.O.V Nang tumakbo palabas si Yron ay nakita ko kung paano kumuyom ang kamao ni Kianna. Hindi ko alam kung bakit mabigat ang loob ko sa Kianna na 'to kaysa kay Sunshine. Pakiramdam ko kasi may mali. Pakiramdam ko may nagpapanggap. Si Sunshine kasi habang naghihintay kanina kinausap ko siya at nalaman kong nagkaamnesia sya. What if i try ko kaya ang nakaraan namin ni Kianna? Kapag nagawa ko yon posibleng may maalala si Sunshine kung sya talaga si Kianna. "Ana, hayaan mo na babalik naman si Twin mamaya." sabi ni Yros kay Kianna. Nakita ko ang malungkot na mukha nito na halatang peke lang dahil walang sinseridad sa mata. "Friend... Gusto mo bang makausap si Zico? Nagaalala nayon sayo eh." sabi ko sa kanya nakita ko na parang natigilan sya. "A-ahh... S-s