Chapter 31: Accident KIANNA/SUNSHINE's P.O.V "Ibig sabihin mo ba nakita mo yung sarili mo kanina nung makita mo yung kianna na tinutukoy ni K sayo?" sabi ni Kikay kaya tumango ako at bumuntong-hininga. "Hay nako! Wag ka magpapatalo! Basta laban lang friend." sabi niya kaya tumango ako saka ngumiti. "Paano una nako ah? Naalala mo naman siguro na PA ako ni K." sabi ko sa kanya nagbeso lang kami saka kami saka ko sumakay sa Jeep papuntang hotel kung saan nag-iistay ngayon sila K. May guessing kasi sila sa isang show dito sa pinas kaya dapat nandoon ako para maging alalay nya. Nang makapasok na ko dun ay nakita kong nandoon sa loob ang KIA. Napatingin ako sa kanila ng mapansin kong may kasama silang babae na yong kamukha ko at nakita kong masaya silang nagkukwentuhan. Hindi ko alam pero n