Keizha's POV Papadilim na sa daanan habang binabagtas namin ang daan pabalik sa bahay ni Paul. Ramdam ko ang malamig na hangin habang sakay ng owner type jeep. Open ito hindi katulad ng ibang saradong-sarado. Nililipad ng hangin ang buhok kong nakalugay kaya panay ang hawi ko nito kapag nagagawi sa aking mukha. Ginabi na rin kami dahil pagkatapos namin manggaling sa hospital ay nagyaya sa isang sikat na kainan si Paul at pinaunlakan ko naman ito. Nawala ang pagkailang sa aming dalawa habang nag-uusap kami sa loob ng kainan na aming tinungo. Nagpapatawa nai to hindi katulad nang ilang na nagsusungit ito o kaya hinid kikibo. Ginagawa pala iyon ng lalaki para maisantabi ang nararamdaman sa kain pero hindi rin ito nagtagumpay. Kaya napilitan na itong umamin k

