Aaden's POV Habang paakyat ako sa hagdanan upang umakyat sa kaing kwarto ay mahigpit ang pagkakayakap ko sa lalagyan ng abo ni Keizha. Yakap ko ito ng parang siya mismo ang yakap ko. Laking pasasalamat k osa magulang ni Keizha na pumayag na mapasa akin muna ito panandalian dahil nilulukod ako ng matinding lumbay at para na akong mababaliw. Pinayagan nila ako pero nais nilang ibalik ko ito sa pamilya nila kapag naging maayos na ako at nakamove-on na upang ilagay sa museo na dapat kalagayan nito. Pero sa tingin ko ay hindi ito basta mangyayari. Ang malimutan ito at muling umibig pang muli sa iba. Hindi ko matanggap! Dahil ang hirap pa rin tanggapin na basta na lang itong nawala nang tuluyan sa akin ng pang habang buhay. Muling bumalong ang masaganang

