Keizha's POV Three months has past at mag-anim na buwan na rin ang tiyan ko. Laking pasalamat ko pa rin at hindi madalas ang ginagawang pagpapasasa ni Paul sa katawan ko. Ganoon pa man ay puno pa rin ng takot ang puso at isipan ko. Lalo kapag nalalasing ito ay parang nawawala sa sarili at tila sinasaniban. Katulad ngayong gabi na nagpaalam ito na iinom sa kaibigan sa kalapit na bayan. Maiiwan man ako ay ikakandado nito ang lahat ng pwede kong madaanan palabas ng bahay upang masigurong hindi ako makakaalis. Lulubusin ko na ang pagkakataon. Dahil napapansin ko na kapag matindi ang pagkalasing nito ay sobrang himbing ng pagkakatulog nito, na kahit may mahulog pang bagay ay hindi man lang ito napapapiksi o nagugulat. Noong una ay natatakot ako na balaking tum

