Ismael POV Nakaupo kami ngayon sa mahabang dulang dito sa loob ng lumang mansion. Kasama namin sila Tita Zeinne at ang anak niyang si Chrishana. Wala ang asawa niya at nasa aborad na nagta-trabaho. Sa kabilang bahay naman ay naroon ang panganay na anak ni Tita Zeinne na si Vince kasama ang pamilya nito. Sinaluhan lang kaming maghapunan ng dalawa at sila rin ang nagluto. Nasa ibang lugar ngayon sila Tito Rico kaya hindi namin kasama ngayon. Sa magkakapatid ay si Mama Rica ang pinakamatanda at sumonod naman si Tito Rico at ang bunso ay si Tita Zeinne. " Kayo lang po ang iba ang pangalan sa magkakapatid, mommy! " biglang bulalas ni Jared na nakiki-Mommy kay Tita Zeinne. Natawa ako dito lalo nang tingnan ito ng masama ni Calix. Balak talaga nitong sulutin si C

