Aaden's POV Tirik ang sikat ng araw at umagos ang pawis mula sa hubad kong katawan. Basa na rin kasi ng pawis ang sando ko kaya hinubad ko na ito. Abala kami ni Mang Isko sa paggawa ng maliit na tindahan sa tabi ng aming munting tahanan. Nais kasi ni Keizha na magkaroon ng maliit na tindahan upang umikot kahit papano ang perang nalalabi sa amin. Maganda rin ito upang nalilibang siya kapag nagkapasok na ako bilang construction worker. Maiiwan ito sa bahay at baka malungkot ito. Nakita kong mahilig sa maliliit na bata si Keizha dahil halos lahat ng maliliit na batang anak ng mga kapitbahay ay malapit sa kanya. Napalingon ako ng maramdaman ang isang telang humagod sa likod ko. Nakita kong si Keizha pala ito at pinupunasan ng tuwalya ang likod kong basa sa pawis.

