Keizha's POV Mataas na sikat ng araw at ingay ng mga tao ang bbumungad sa akin habang palabas ako ng brako na aking pinaglulanan. Nasa parte na ako ng isang probinsiya na hindi ko alam. Ang sabi ng mga staff kanina na ito na ang huling babaan kaya sumunod na ako sa daloy ng mga tao na palabas. Pagbaba ko ng barko at agad akong lumapit sa isang ginang na may kalong na sanggol na nasa isang taon ang edad. Mahina ko kinalabit ang balikat nito upang tanungin kung nasaan na kami. Nakita ko ang pagkunot sa noo nito dahil sa pagkakahalata na wala akong alam sa naging biyahe ko ngayon. " Nasa Aklan na tayo sa Caticlan fort. Mukhang hindi mo yata alam ang lugar na ito. Naliligaw ka ba? " tanong nito sa akin at ti

