Keizha's POV Pumasok na kami sa loob ng bahay at hndi pinansin ang tumpok ng mga taong nag-uusyoso sa amin. Pinauna ako ni Paul at nakasunod naman agad ito sa akin. Sinara nito ang pinto at nilapag ang dala nitong bag. " Sa ikalawang kwarto sa taas ang tutuluyan mo dahil sa akin ang una. " sa malamig na tinig ay sinabi iyon ni Paul sabay turo sa itaas na tila sinasabing umakyat na ako. Hindi ko alam kung bakit ganito kalamig ang taong ito. Mukhang may malalim na pinagdaanan. Tumango na lang ako at hindi na umimik pa. " Umakyat ka na at magpalit ng pangbahay. " sambit lang nito at nauna nang umakyat sa akin. Sumunod lang ako sa pag-akyat at nakita ko pa ang pagpasok nito sa silid na unang madadaanan

